0

BROWSING TIME

0

AR/VR USAGE

0

VISITORS

Welcome to Pila Laguna Adventures Site

Ang bayan ng Pila, kilala bilang “Ang Bayang Pinagpala” ay idineklara ng mga Espanyol bilang “La Noble Villa de Pila” noong panahon ng Kastila. Isa ito sa mga bayan na nabiyayaan ng titulong “Villa” dahil sa dalisay na pag-uugali at tradisyon ng mga mamamayan nito. At dahil dito, ang bayan ng Pila ay hindi nakabilang sa “Polo y Servicio” o ang sapilitang paggawa.

Noong panahon naman ng ikalawang digmaang pandaigdig, nakaligtas ang bayan at ang mga mamamayan nito sa mga pambobomba at pagwasak ng mga Hapon. Kalaunan ay maraming mga tao ang naniwala na ang bayan ay talagang pinagpala. Hanggang ngayon, kapuna-puna parin sa bayan ang mayamang pamana at kagandahan ng mga istraktura na pumapalibot sa plasa ng bayan, munisipyo at ng simbahan ng San Antonio de Padua sa Pila, Laguna.

Noong Mayo 2000, idinekalara ng National Historical Institute ang San Antiono de Padua at ang bayan ng Pila bilang isang “National Historical Landmark” o Pambansang Makasaysayang Palatandaan. Idineklara din ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Abril 2019 ang simbahan ng Pila bilang Pambansang Dambana ni San Antonio de Padua.

Alam n’yo rin ba na makikita sa labas ng San Antonio de Padua Shrine ang dalawang antigong kampana, ang isa dito ay kinokonsidera bilang ang pang-apat sa pinakamatandang kampana sa Pilipinas na ginawa noong 1681 sa ilalim ng pagtataguyod ng San Antonio de Padua at isang maliit na kampanang “esquila” ay ginawa noong 1796.